Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza
Реклама. ООО «ЛитРес», ИНН: 7719571260.
Оглавление
Modesto de Castro. Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza
Paunaua sa Babasa
PAQUIQUIPAGCAPOUA TAUO
UNANG SULAT
ANG PINAG ARALAN NI URBANA
ANG CATUNGCULAN NANG TAUO
ANG AASALIN SA SIMBAHAN
CAGAGAUAN NI URBANA
CAASALAN NI HONESTO
CAASALAN SA SARILI
SA ESCUELAHAN
SA SALITAAN
PARAAN NANG PAGSULAT
REGLA SA PAGSULAT
TAPAT NA CASIPAGAN
SA CATUNGCULAN SA BAYAN
PAGIIBIGAN
SA PIGUING
SA CALINISAN
MAN~GA BILIN O REGLANG SUSUNDIN
SA PAGPAPACIAL
ALIUAN
CABAGAYAN
ANG PAGDALAO
CALASIN~GAN.10
ANG PAGIISIP-ISIP NI FELIZA
CAHATOLAN
PASASALAMAT SA DIOS
ARAL SA MAN~GA INA
ANG PAGPAPATIBAY NANG LOOB
CAHATOLAN
PAGSANGUNI
CAHATOLAN SA MAY MAN~GA ASAUA
MAN~GA CAHATOLAN
CAHATULAN SA MAN~GA MAGULANG
SANTONG ARAL
CAHATULANG UCOL
Отрывок из книги
URBANA: N~gayong á las seis nang hapon na pinagugulong nang hari nang astros ang carrusang apuy, at itinatago sa bundoc at cagubatan, ipinagcacait sa isang capuloan ang caliuanagan, at sa alapaap ay nagsasambulat nang guinto,t, púrpura: ang mundo,i, tahimic, sampuo nang amiha,i, hindi nag tutuli,i, nagbibigay alio, ang man~ga bulaclac, ay nan~gag sasabog nang ban~gong inin~gat sa doradang caliz; ang lila,t, adelfa na itinanim mo sa ating pintoan; ang lirio,t, azucena; ang sinamomo,t, campupot na inihanay mo,t, pinag tapattapat sa daang landas na ang tinutun~go,i, ating hagdanan; oras na piniling ipinagsasaya, nan~gagsisin~giti,t, ang balsamong in~gat ay ipinadadala sa hihip nang han~gin; mapalad na oras na ipinag lilibang nang camusmusán ta, ipinagpapasial sa ating halamanan. Marahil Urbana,i, di mamacailang pagdating sa iyo nang oras na ito, ang alaala mo,t, boong catauohan ay nagsasaoli sa ating halamanan, iyong sinasagap ang balsamong alay nang man~ga bulaclac na bago pamuti sa parang linalic na man~ga daliri mo,i, pinaiibayuhan ang di munting pagod sa pagaalaga.
Naglilibang icao, aco,i, gayon din naman, at dito sa lihim nang namumulaclac na suhâ, ay sinasagap co ang caaya-ayang ban~gò, pinanonood co ang lipad nang ibong napaiilang lang sa himpapauid; ang pato at tagác na nonoui sa hapunan, husay nang pag liliparan, tulad sa ejércitong nag susunod sunod, ualang nahihiualay, iisa ang loob iisa ang tun~gò, isa ang sinusundan nang sang bayanang ibon, at palibhasa i, tulad din sa tauo may pinipintuho,t, sinusunod na hari. Sa pag didili-diling ito i, di caguinsa guinsa,i, napaimbulog ang pag iisip co, icao ang hinanap sa loob nang halamanan, sinundan sundan ca at napanood cong mamumuti nang bulaclac, pinag salit salit, pinag tama tama ang sari-saring culay, guinagauang ramillete: saca co naquita na inihahain sa maalindog na reina nang rosas, ni Urbana, rosa naman sa calinisan. Magpahangan n~gayo,i, aquing natatanao na nunuti ca nang amapola, nang maquita co na nagniningning na sa man~ga buroc na iyong daliri ay sinundan quita, napahabol ca naman, saca nang abutan quita,i, conouari itinangui ang quimquim na bulaclac, saca ipinaagao sa aquin: at nang macuha co na,i, in~gay nang canitang paghahalac-hacan sa loob nang halamanan. ¡Masayáng halac-hac na iquinagagalac ni ama,t, ni ina na ninitang toua sa pag aaliuan nang dalauang anác!
.....
Ang sulat, ay ibabagay sa sinusulatan, at gayon din ibabagay ang paquiqui usap. Iba ang sulat nang mataás sa mababang tauo, at nang mababa sa mataás; iba ang sulat nang matanda sa bata, at nang bata sa matanda.
Ang gulang na cailan~gang gamitin nang bata sa matanda,i, hindi cailan~gan sa sulat nang matandá sa bata; maliban na lamang, cun sa bata ay may naquiquitang bagay na sucat igalang.
.....