Читать книгу Ikot - Морган Райс, Morgan Rice - Страница 12

IKALAWANG KABANATA

Оглавление

Nakatayo si Caitlin sa labas ng pinto ng kanyang apartment. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi. Ang naalala lamang niyang huli ay nasa may eskenita siya.

Ngunit naalala niyang lahat ang nangyari doon. Binalot siya ng galit na noon lamang niya naramdaman.

Tiningnan niya ang kanyang mga braso. Inaasahan niyang may nagbago pagkatapos noon ngunit lahat ay kapareho pa rin ng dati. Normal.

Ang epekto nito sa kanya ay naiwan din. Guwang ang kanyang pakiramdam. Manhid. Hindi niya ito maintindihan. Mayroon siyang kinasasabikan pagkatapos niyang mapagmasdan ang mga leeg ng mga lalaking iyon. Ugat sa kanilang leeg. Nakaramdam siya ng gutom.

Ayaw talagang umuwi ni Caitlin. Ayaw niyang harapin ang kaniyang ina, ang bago nilang lugar. Pati mag-ayos ng gamit. Kung hindi lamang dahil kay Sam ay aalis ulit siya ngayon. Maglalakad lakad.

Binuksan niya ang pinto. Nakaamoy siya ng pagkain, mukhang galing sa microwave. Sam. Lagi siyang maagang umuwi para kumain. Wala pa ang kanilang ina.

"Mukhang hindi maganda ang unang araw mo ah."

Nagulat si Caitlin sa boses ng ina na nakaupo sa sala, naninigarilyo at umay na pinagmamasdan siya.

"Sinira mo na kagad ang bago mong pangginaw?"

Napatingin si Caitlin sa suot niya. Mukhang namantsahan sa pagkakabagsak niya sa semento.

"Bakit ang aga mo umuwi?" tanong niya sa ina.

"Unang araw ko din sa trabaho" pasinghal na sagot ng ina.

"Hindi lang ikaw. Wala masyadong trabaho kaya pinauwi ako ng maaga ng amo ko."

Hindi kaya ni Caitlin ang masamang tono ng ina. Hindi ngayong araw na ito.

"Magaling! Ibig bang sabihin lilipat ulit tayo?" singhal din niya.

Napatayo bigla ang kaniyang ina. "Ingatan mo iyang pananalita mo!" sigaw niya.

Para kay Caitlin lagi lamang naghahanap ng rason ang nanay niya para masigawan siya.

"Hindi ka dapat naninigarilyo sa harap ni Sam" malamig na sambit niya habang pasok sa kaniyang maliit na silid. Sinara niya ang pinto at kinando ito.

"Lumabas ka dito! Pilya ka! Ganyan ba dapat magsalita sa inyong ina na nagpapakain sa inyo!?"

Sa gabing ito ay nagawa niyang hindi pansinin ang boses ng ina. Masyadong magulo ang isip niya. Inalala niya ang mga nangyari noong araw na iyon, ang lakas ng tawa ng mga kabataan, ang tibok ng kaniyang puso at ang dagundong na sa kanya lamang nanggaling.

Nagpatuloy ang bayo sa kaniyang pinto ngunit tila ay wala siyang naririnig. Ang kaniyang cellphone sa mesa ay wala ring tigil sa pagtaginting, umiilaw dahil sa mga mensahe sa kaniya. Ngunit pati iyon ay di niya naririnig.

Dumungaw siya sa kaniyang maliit na bintana at pinagmasdan ang kahabaan ng kalye ng Amsterdam. Ibang tunog ang kaniyang narinig. Ang boses ni Jonah. Naalala niya ang mga ngiti nito. Naisip niya kung paanong napaka-amo niya. Bigla niyang naalala ang duguan niyang mukha at ang wasak na instrumento niya. Nagsimula na naman siyang magalit.

Hanggang ang galit niya ay napalitan ng pag-aalala. Inaakala niyang tinatawag siya ni Jonah.

Caitlin.. Caitlin..

"Caitlin?"

May ibang boses na tumatawag sa kaniya. Ang kapatid niyang si Sam.

"Si Sam ito. Papasukin mo ko."

Tumayo siya at humilig sa may pinto.

"Wala si Inay. Lumabas bumibili ng sigarilyo. Sige na papasukin mo na ako."

Binuksan ni Caitlin ang pinto.Nakatayo doon si Sam. Nakatitig sa kaniya at nag-aalala. Labing-limang taong gulang pa lamang siya pero mukha siyang mas matanda sa edad niya. Tumangkad siya ng maaga, anim na talampakan. Payat siya, itim ang buhok at kulay kape ang mga mata. Pareho sila ng kulay. Magkapatid nga sila. At mahal na mahal siya nito.

Pinapasok niya ito sa loob at nagmamadaling sinara ang pinto.

"Pasensya na" sabi ni Caitlin. "Hindi ko siya kayang tiisin ngayong gabi."

"Ano bang nangyari sa inyong dalawa?" tanong ni Jonah.

"Pangkaraniwan na. Ako na naman lagi niyang nakikita."

"Hindi kasi ata naging maganda ang araw niya." pumapagitnang sabi ni Jonah, bagay na lagi niyang ginagawa. "Sana hindi siya masisante ulit."

"Sinong may pakialam? New York, Arizona, Texas...saan naman kaya ang sunod? Wala nang magiging katapusan ang paglipat natin!"

Sumimangot si Jonah habang nakaupo sa may mesa. Nagsisi kaagad si Caitlin sa kaniyang nasabi. Kung pwede lang niyang bawiin iyon. Minsan talaga walang preno ang kaniyang bibig.

"Kumusta naman ang unang oraw mo?" tanong ni Caitlin para mabago ang kanilang usapan.

"Ok lang naman. ikaw?" Nagkibit balikat lamang siya. May iba siguro sa kaniyang mukha dahil hindi naalis ang tingin sa kaniya ni Jonah.

"Anong nangyari?"

"Wala" mabilis niyang sagot sabay lakad sa may bintana. Patuloy siyang pinagmamasdan ng kapatid.

"May iba sa iyo."

"Paanong iba?" tanong ni Caitlin habang nakatingin sa may labas.

"Hindi ko alam. Ayoko sa lugar na ito" sabi ni Jonah.

"Ako din" sabay balik ng tingin ni Caitlin sa kapatid.

"Naisip ko pa ngang maglayas e."

"Anong ibig mong sabihin? "

Nagkibit balikat lamang ito. Pinagmasdan siya ni Caitlin. Mukhang nalulumbay ito.

"Saan?"

"Hindi ko alam. Siguro hahanapin ko si tatay" sagot ni Jonah.

"Paano? Hindi natin alam kung nasaan siya."

"Hahanapin ko siya. Susubukan ko."

"Paano?"

"Hindi ko alam pero susubukan ko."

"Sam, baka patay na siya hindi natin alam iyon." sabi ni Caitlin.

"Huwag kang magsalita ng ganyan."namumulang sigaw ni Jonah.

"Pasensya na" sabi ni Caitlin. Kumalma siya.

"Pero naisip mo ba na kahit makita natin siya, baka hindi niya tayo kilalanin? Hindi niya tayo kinilala at hindi siya sumubok na hanapin tayo."

"Siguro dahil ayaw siyang payagan ni nanay."

"O baka dahil ayaw niya sa atin." sabi ni Caitlin.

Lalong sumimangot si Jonah. "Hinanap ko siya sa Facebook. "

Nanlaki ang mga mata ni Caitlin. "Nahanap mo siya?"

"Hindi ako sigurado. May apat siyang kapangalan. Dalawa sa kanila pribado at walang litrato. Pinadalhan ko sila ng mensahe." paliwanag ni Jonah.

"Tapos?"

Umiling lamang si Jonah. "Hindi pa sila sumasagot."

"Wala siguro siyang Facebook."

"Hindi mo alam iyon."

Napabuntong hininga si Caitlin. Humiga siya sa kaniyang kama at tumingin sa naninilaw at nagbabakbak na kisame. Paano ba sila umabot sa ganoon. May mga maayos na lugar naman sila dati kung saan naging masaya sila pati ang kanilang ina. Panahong may nakilala siyang bagong lalaki. Hindi siya nito laging kinagagalitan.

May mga bayan din na nagkaroon sila ng maraming kaibigan. Akala nila magtatagal sila doon hanggang sa sila ay makatapos. Ngunit sa bilis lagi ng mga pangyayari, lilipat na naman sila. Mag-eempake at magpapaalam. Masama bang humiling ng normal na buhay?

"Pwede akong bumalik sa Oakville." biglang sabi ni Jonah. Napatigil ang kaniyang pag-iisip.

"Pwede akong makitira sandali sa mga kaibigan ko."

Hindi na niya kinakaya ang araw na ito. Sa mga sinasabi ni Jonah, gusto rin siyang iwan nito. Para bang wala na siyang pakialam sa kaniya.

"E di umalis ka!" biglang pa-angil na sabi ni Caitlin. Parang ibang tao ang nagsalita. Pinagsisisihan niya ang nasabi niyang iyon.

Bakit ba hindi muna siya mag-isip bago magsalita? Kung mabuti sana ang pakiramdam niya at mas mahinahon siya, hindi sana siya nakapagsalita ng ganoon. Maaaring ang nasabi niya ay - "Alam kong ang ibig mo talagang sabihin ngayon ay hinding hindi ka aalis dito sa lugar na ito kahit pa gaano kahirap. Hinding hindi mo ako iiwan dahil tayo na lamang ang magkakampi."

Ngunit naunahan siya ng kanyang init ng ulo. Kita sa mukha ni Jonah na nasaktan ito sa kanyang sinabi. Kung maaari lamang bawiin ito para maging ok na ang lahat. Pero hindi niya maibuka ang kaniyang bibig para magsalita at humingi ng paumanhin. Tumayo na lamang si Sam at lumabas ng kaniyang silid.

Idiyota! Bakit kinailangan mo siyang tratuhin katulad ng pagtrato sa iyo ng iyong ina?

Humiga ulit siya at tumitig sa kisame. Naisip niya na isa pang rason kung bakit uminit bigla ang ulo niya ay dahil sa paggulo ni Jonah sa iniisip niya nung oras na iyon.

Naisip niya si Frank, dating kasintahan ng kaniyang ina. Limampung taong gulang, malapad siya ngunit hindi matangkad at nakakalbo na din. Labing-anim na taong gulang siya noon. Isa iyon sa mga panahon na masaya ang kaniyang ina.

Nakatayo siya noon sa maliit nilang labahan. Nagtititklop siya ng kaniyang mga damit nang bigla na lang dumating si Frank sa may pintuan. Lagi niya itong nahuhuling nakatingin sa kaniya.

Nakita niya itong dinampot ang kaniyang damit panloob. Nakaramdam siya ng matinding hiya at galit na ikinamula ng kaniyang mukha. Itinaas niya ito sa ere sabay ngisi.

"Nalaglag mo." sabi ni Frank. Mabilis itong hinablot ni Caitlin.

"Anong kailangan mo!?" singhal niya.

"Ganyan ba ang tamang pakikipag-usap sa bago mong ama?" Humakbang ito papalapit sa kaniya.

"Hindi kita ama!"

"Malapit na."

Bumalik siya sa kaniyang mga damit ngunit naramdaman niya itong humakbang ulit papalapit sa kaniya. Masyadong malapit na kumakabog ang kaniyang dibdib.

"Tingin ko ay oras na para mas kilalanin natin ang isa't isa. Ano sa tingin mo?" Sabay tanggal ng kaniyang sinturon.

Sa kaniyang takot ay nagpilit siyang lumabas doon ngunit pinigilan siya nito, hinablot at inihampas siya sa may dingding.

Doon niya naramdaman ang matinding galit. Galit na hindi niya pa naramdaman dati. Nag-init ang buong katawan niya. Nang lumapit sa kanya ito, tumalon si Caitlin at sinipa siya sa dibdib. Kahit na wala pa siya sa kalahati ng laki nito ay tumilapon siya deretso palabas ng pinto, hanggang sampung talampakan ng kabilang silid. Natanggal pati ang pintuan sa lakas ng kaniyang pagkakasipa. Nanginginig si Caitlin. Hindi siya bayolenteng tao. Wala pa siyang nasasaktan dati. Tsaka maliit lamang kumpara kay Frank. Papaano niya nalaman kung sumipa ng ganoon. Wala pa siyang nakitang taong tumilapon ng ganoong kataas dahil sa sipa. Saan galing ang lakas niyang iyon? Lumapit siya kay Frank. Wala itong malay na nakahilata sa sahig. Napatay niya kaya ito? Sa ngayon ay puno pa siya ng galit kaya't wala siyang pakialam sa kapakanan nito. Mas nag-aalala siya sa sarili niya. Kung sino o ano ba siyang talaga.

Hindi na niya nakita si Frank kinabukasan. Iniwan na nito ang kaniyang ina. May suspetsa ang ina niya na may kagagawan siya sa nangyari kaya't siya ang sinisisi nito sa pagkasira ng kaniyang buhay pag-ibig. Isang bagay na nakapagpapasaya sa kaniya. Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya si Caitlin.

Bumalik ang tingin niya sa kisame. Iniisip niya kung konektado ba ang dating insidente sa nangyari ngayong araw. Inisip niya noon na nagkaroon lamang siya ng panandaliang lakas dahil sa galit niya kay Frank. Pero ngayon para bang mayroon pang iba. Meron ba siyang kakaibang lakas? Isa ba siyang abnormal? Sino siya?

Ikot

Подняться наверх