Читать книгу Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza - Modesto de Castro - Страница 11
PAQUIQUIPAGCAPOUA TAUO
PARAAN NANG PAGSULAT
ОглавлениеMANILA.....
MINAMAHAL CONG CAPATID: Ang isang sulat ay isang pagsalin sa papel nang na sa isip at sa loob, pinagcacatiuala, at nang matantó nang pinagpapadalhán.
Ang sulat ay isang salitaan sa papel, caya ang letra ay dapat linauan, at ang pan~gun~gusap ay ilagay sa ugali.
Cun ang sinusulatan ay caibigan at capahayagan nang loob ay pahintulot ang humaba ang sulat, at palibhasa,i, marami ang masasaysay.
Cun ang ibig sabihin sa sulat, ay isang bagay lamang, at ang sinusulatan ay di caibigan, hindi catampatan ang magsaysay nang ibang bagay.
Ang sulat, ay ibabagay sa sinusulatan, at gayon din ibabagay ang paquiqui usap. Iba ang sulat nang mataás sa mababang tauo, at nang mababa sa mataás; iba ang sulat nang matanda sa bata, at nang bata sa matanda.
Ang gulang na cailan~gang gamitin nang bata sa matanda,i, hindi cailan~gan sa sulat nang matandá sa bata; maliban na lamang, cun sa bata ay may naquiquitang bagay na sucat igalang.
Ang di pagcatutong maghanay nang sulat, ang sumulat nang lihis sa reglas nang arte; na ang tauag ay gramática, ay nagsasaysay na ang sumulat ay culang sa pag aaral.
Salamat Feliza, at icao ay nagsaquit matutó; at si Honesto ay pinagsasaquitan mo.
Ang sumulat nang lihis sa regla, ay capintasán sa isang dalaga, at lalong pansin sa man~ga lalaqui.
Ang papel na gagamitin, ay malinis at fino, lalo cun ang sinusulatan ay di caratihan.
Ang sulat, bago ipadala, ay sarhan at laguian nang sello.
Pagtangap nang sulat, cun sa biglaan, ay catampatang saguting madali, at di man biglaan, ay dapat na sagutin, at ang di pagsagot, ay nagsasaysay na tayo ay culang sa pinagaralan.
Ang bigcás nang sabi, ay houag tataasan, at nang di mauica na tayo,i, nagpapalalo: ilagay sa catatagán at nang di icapintas sa atin.
May bago n~gayong caugalian na ang sobre ó taquip nang sulat, ay bucod na papel: ang sulat ay ipaloloob sa sobre, at sa licod ay di sinusulatan nang n~galan nang pinadadalhan.
Ang pliegong gagamitin ay boó, cahit man~ga ilang uica lamang ang itatalá sa papel.
Bago sumulat, ay isipin muna; at nang di tayo macapagbigay poot; lilinauan, at nang di i-ucol sa masama.
Cun maraming bagay ang sasabihin, ay pagbucdin-bucdin, at di dapat na pagpisanin sa isang pitac: at sa pinacadaquila ó mahalagang bagay ucol na simulán.
Ang letrang diquit-diguit na nacaguguló, ang dalauang uica na di paghiualayin, ang n~galan nang tauo, ciudad ó bayan na di punoan nang muyúscula ó letrang malaqui, ay pan~git sa isang lalaqui at capintasan sa isang babaye; gayon ang alin mang mali na laban sa regla nang arte.
Ang pagticlop nang sulat, ang paglalagay nang oblea ay pagbubutihin, at nang mahusay tingnan.
Ang lacre, ay na-aari rin namang ipagsará, n~guni madaling masira; ang obleang mabuting gamitin ay ang maliliit at maquiquintab.
Ang ticlop nang sulat ay matouid ang sa man~ga camahalan, na ang bansag ay de etiqueta at negocio, apat ang ticlop; sa itaas, sa ibabá, sa caliua,t, sa canan; at sa man~ga babayeng mahal at masisilang ay maquitid at maliit, gayon din ang manga billete.
Cun ang sinusulatan ay papel de esquelas, ang fecha ay ibaba nang firma, at dacong caliuá.
Ang cumatcat nang letra sa sulat, ay nacarurumi sa papel at nagbabansag nang di carunun~gan.
Salamat Feliza, at ang man~ga sulat ni Honesto na ipinaquita mo sa aquin, ay malilinis, at alinsunod sa reglas nang arte.
Gayon man, tingnan nang capatid nating bunso ang regla sapagsulat na ipadadala co.
Cay ama at cay ina, humahalic aco sa camay. In~gatan cayo nang Pan~ginoong Dios.—URBANA.