Читать книгу Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza - Modesto de Castro - Страница 8
PAQUIQUIPAGCAPOUA TAUO
CAASALAN SA SARILI
ОглавлениеSi Urbana cay Feliza.—MANILA …
FELIZA: Aquing naisulat na sa iyo, ang madlang cahatoláng ucol sa paglilingcód sa Dios, n~gayo,i, isusunód co áng nauucol sa sarili nating catauan. Sabihin mo cay Honesto, na bago masoc sa escuela, maghihilamos muna, suclain aayosin ang buhóc, at ang baro,t, salauál na gagamitin ay malinis; n~guni,t, ang calinisa,i, houag iuucol sa pagpapalalo. Houag pahahabaing lubha ang buhóc na parang tulisan, sapagca,t, ito ang quinagagauian nang masasamang tauo. Ang cucó houag pahahabain, sapagca,t, cun mahaba, ay pinagcacaratihang icamot sa sugat, sa ano mang dumi nang catauan, nadurumhan ang cucó, ay nacaririmarim, lalonglalo na sa pagcain. Bago magalmosal, ay magbigay muna nang magandang arao sa magulang, maestro ó sa iba cayang pinaca matandá sa bahay. Sa pagcain, ay papamihasahin mo sa pagbebendición muna, at pagcatapos, ay magpasalamat sa Dios. Cun madurumhán ang camay, muc-ha ó damit, ay maglinis muna bago pa sa escuela. Houag mong pababayaan, na ang plana, materia, tarsilla ó regla, papel, libro,t, lahat nang ga~gamitin sa escuela ay maguing dun~gis dun~gisan. Cun naquíquipagusap sa capoua tauo, ay houag magpapaquita nang cadun~goan, ang pan~gun~gusap ay totouirin, houag hahaloan nang lanyós ó lambing houag cacamotcamot ó hihilurin caya ang camáy ó babasin nang lauay ang daliri at ihihilod mo pa n~ga,t, houag magpapaquita nang casalaolaan. Sa harap nang ating magulang ó matandá caya, ay houag mong pababayaang manabaco, ó man~gusap caya nang calapastan~ganan, ó matunog na sabi. Cun naquiquipaglarô sa capoua bata, ay houag tulutan na maglapastan~gan, ó dumhán caya ang damit nang iba, at pagpilitian mo na yaong caraniuang uicain nang tauo, na ang masamá sa iyo,i, houag mong gauin sa iyong capoua, ay itanim sa dibdib at alinsunurin. Sa capoua bata, ay houag magbibigay nang cacanin na may cagat, ó marumi. Matanda at bata, ay may pinagcacaratihang casalaolaan, na carima-rimarin. Cun naquiquipagusap sa capoua tauo, caraca-raca,i, ilalagay ang daliri sa ilóng at sisin~gá. Ca-iin~gat, Feliza, na ito,i, gauin ni Honesto. Cun sisin~ga man ay sa panyô ay marahang gagauin, itatalicód ang muc-há ó lumayo caya. May isa pang pinagcacabihasnan ang caramihan nang tauo, na cun naquiquipagusap sa capoua, ay ang camáy ay iquinacamot sa haráp. ¡Asal na cahalayhalayan na nacapopoot sa malilinis na loob. Caiin~gat na ito,i, pagcaratihan nang bata. Cun may lalabas na masamang amoy, ay lumayo sa tauo, houag pamalay at nang di mapan~ganlang salahula: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.—URBANA.