Читать книгу Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza - Modesto de Castro - Страница 14

PAQUIQUIPAGCAPOUA TAUO
SA CATUNGCULAN SA BAYAN

Оглавление

Si Urbana cay Feliza.—MANILA …

FELIZA: Si Honesto,i, cun macatapos na nang pag-aaral matutong bumasa nang sulat, sumulat, cuenta at dumating ang capanahunang lumagay sa estado, ay di malayo ang siya,i, gauing puno sa bayan, caya minatapat co sa loob na isulat sa iyo ang caniyang aasalin, cun siya,i, magca catungculan, at ang sulat na ito,i, in~gatan mo at nang may pagcaaninauan cun maguing cailan~gan. Ang m~ga camahalan sa bayan, ang cahalimbaua,i, corona na di ipinagcacaloob cun di sa may carapatan, caya di dapat pagpilitang camtan cun di tanguihan, cun inaacala na di niya icamamahal, sa macatouid, cun di mapapurihan ang camahalan. Ang corona, camahalan at caran~galan, ang dapat humanap nang ulo na puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap nang coronang ipuputong. Ang caran~galan, sa caraniuan, ay may calangcap na mabigat na catungculan, caya bago pahicayat ang loob nang tauo sa pagnanasa nang caran~galan, ay ilin~gap muna ang mata sa catungculan, at pagtimbangtim, ban~gin cun macacayanang pasanin. Pagaacalain ang sariling carunun~gan, cabaitan at lacas, itimbang sa cabigatan nang catun~gculan, at cung ang lahat nang ito,i, magcatimbang-timbang, saca pahinuhod ang loob sa pagtangap nang catungculan, n~guni hindi rin dapat pagnasaan at pagpilitang camtán, cun di ang tangapin, cun pagcaisahan n~g bayan, at maguing calooban nang Dios.

Ang magnasang magcamit nang camahalan sa bayan, sa caraniuan ay hindi magandang nasa, sapagca ang pinagcacadahilanan ay di ang magaling na gayac nang loob na siya,i, paquinaban~gan nang tauo, cun di ang siya ang maquinabang sa camahalan; hindi ang pagtitiis nang hirap sa pagtupad nang catungculan, cun di ang siya,i, maguinhauahan; hindi ang siya,i, pagcaguinhauahan nang tauo cun di ang siya,i, paguinhauahin nang tauong caniyang pinagpupunoan.

Ang masaquim sa camahalan, sa caraniuan ay hindi marunong tumupad nang catungculan, sapagca,t, hindi ang catungculan, cun di ang camahalan ang pinagsasaquiman; salat sa bait, sapagca,t, cun may inin~gat na bait, ay maquiquilala ang cabigatan, ay hindi pagpipilitan cun di tatanguihan, caya marami ang naquiquitang pabaya sa bayan, ualang hinaharap cun di ang sariling caguinhauahan; ang mayaman ay quinacabig, at ang imbi ay ini-iring. Caya Feliza, in~gatan mo si Honesto, pagdating nang capanahonan, tapunan mo nang magandang aral, nang houag pumaris sa iba na ualang iniisip cun di ang tin~galin sa caibuturan nang camahalan, sucuan igalang at pintuhoin nang tauo sa bayan.

Huag limutin ni Honesto, na ang caran~galan sa mundo, ay para rin nang mundo, na may catapusan; ang fortuna ó capalaran nang tauo, ay tulad sa rueda na pipihit-pihit, ang na sa itaas n~gayon, mamaya,i, mapapailaliman, ang tinitin~galá n~gayon, bucas ay mayuyuracan, caya hindi ang dapat tingnan lamang, ay ang panahong hinaharap, cun di sampo nang haharapin. Itanim mo sa caniyang dibdib, ang pagtupad nang catungculan, na sacali ay tatangapin niya, sapagca,t, may pagsusulitan may justicia sa lupa,t, may justicia sa lan~git; ang malisan nang justicia rito, ay di macaliligtas sa justicia nang Dios.

Houag magpalalo, sapagca,t, ang puno at pinagpupunoan, ay di man magcasing uri, ay isa rin ang pinangalin~gan, isa ang pagcacaraanan at isa rin naman ang caoouian; Dios, ang pinangalin~gan magdaraang lahat sa hocoman nang Dios at Dios din naman ang caoouian.

Houag magpaquita nang calupitan sa pagnanasang igalang nang tauo, sapagca,t, hindi ang catampalasanan, cun di ang pagtunton sa matouid, at pagpapaquita nang magandang loob, ang iguinagalang at minamahal nang tauo. Mahal man, at cun malupit, ay di mamahal, cun di quinalulupitan, at pagca talin~gid ay pinag lililohan nang caniyang pinaglulupitan. Ang capurihan nang mahal na tauo ay na sa pagmamahal sa asal, at pagpapaquita n~g loob, paninihag nang puso nang tauo; n~guni ang pagmamalaqui at pagmamataas, ay tandang pinagcacaquilanlan nang caiclian nang isip, at pinagcadahilan nang pagcapoot nang caniyang capoua.

Cailan ma,i, houag lilimutin nang puno ang caniyang catungculan, lumin~gap sa lahat, mahal man at hindi, sapagca,t, cun ang paglin~gap niya ay laganap sa lahat, ay di lamang siya ang mamahalin nang tauo, cun di sampo nang caniyang familia, at sa panahon nang caguipitan, ay di magpapabaya ang caniyang pinagpaquitaan nang magaling.

Pacatatandaan, na ang isang guinoo, ó mahal na marunong tumupad nang catungculan, tapat na loob sa m~ga caibigan, mapagampon sa man~ga mabababa, maauain sa mahirap, ang ganitong mahal ay ligaya at capurihan nang bayan, at hari nang lahat nang pusò. Sa catagang uica,i, ang tunay na camahalan, ay na sa pagmamahal sa asal, at paggaua nang magaling.

Unti-unti, Feliza, na ipaquiquilala mo cay Honesto ang cahalagahan nang mahal na asal, nan pag-tuntón sa matouid at cagandahan nang loob. Italà mo sa caniyang dibdib, na ang báculo trono, corona ma,t, cetro ay ualang halaga, cun di napapamutihan nitong mahahalagang hiyas, Ipahayag mo cay ama,t, cay ina ang cagalan~gang co sa canila. Adios, Felisa, hangang sa isang sulat.—URBANA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza

Подняться наверх