Читать книгу Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza - Modesto de Castro - Страница 12
PAQUIQUIPAGCAPOUA TAUO
REGLA SA PAGSULAT
ОглавлениеMANILA....
FELIZA: Alinsunod sa sinabi co sa iyo na aco,i, magpapadala nang reglas sa pagsulat, ipababasa mo cay Honesto itong m~ga casunod.
Pupunuan nang mayusculas ang m~ga pan~galan at apellido nang tauo, caparis nang Francisco Baltazar; ang sa mga caharian, Ciudad, bayan, provincia, bundoc, dagat, ilog, batis para nang España Maynila, Biñang, Batangas, Arayat, Océano, Pasig, Bumbun~gan; gayon din ang n~galan nang carunun~gan, para nang Teología, nang Artes, para nang Gramática, Poecia; gayon din ang n~galan nang manga catungculan, para nang General, Papa, Arzobispo.
Gayon man cun sa Oración ó isang sabing boó ang man~ga n~galan nang carunun~gan, artes, at iba pang sinabi co, ay di pinacapan~gulo, ay pupunuan nang letrang munti, caparis niton halimbauang casunod; si Benito at si Mariano ay capoua nagaral sa pandayan.
Feliza, turuan si Honesto nang matutong maglagay sa sulat nang man~ga notas ó tanda. Ang man~ga notas ay ito: Coma (,): Punto y coma(;): Dos puntos (:): Admiracion (!); Interrogacion (?): Paréntesis (): Puntos suspensivos (::::): Etcétera ó Etcétera (&c.): Acentos (áàâ): Rayas ó comillas—».
Ang Coma, ay ilalagay sa man~ga pag-itan nang man~ga pan~galan: Vito, Teodoro, Pedro; gayon din sa pag-itan nang baua,t, isang Oración, cun di pa tapos, ang cahulugan nang ibig saysayin; para nitong halimbauang casunod; si Eva,i, tinocso nang demonio, ay nagcasala sa Dios, at si Eva naman ang humicayat cay Adan.
Ang Punto ay ilalagay sa catapusan nang Oración; cun dito,i, nabobuo, ang cahulugan nang ibig nating sabihin sa papel.
Ang Punto y Coma, ay tanda nang pagcacaiba ó pagcacalaban nang cahulugan nang magcacasunod na sabi ó Oración, caya sa pag itan ilalagay itong man~ga uicang datapuoa, n~guni, gayon man, Tingnan itong halimbaua: ang tauo,i, binig-yan nang Dios nang bait at loob; n~guni,t, sumuay sa caniyang man~ga utos.
Ang dalauang Punto, ay inilalagay, at nang maalaman na hindi pa tapos ang ating ibig sabihin ay ga uari tapos na; inilalagay, at ang cahulugan ay may cahulugan pa. Tingnan itong halimbaua: ang man~ga cahatulán nang Santo Evangelio, ay Santo; at laban sa cahatulan nang mundo.
Ang Paréntesis, ay inilalagay sa puno at dulo n~g Oración, na nagpapalinao nang sabi; n~guni,t, cun alisin man ay di nacasisira nang cahulugan. Tingnan itong halimbaua: cun icao ay magcasala (houag din nauang itulot nang Dios,) ang gamot, ay ang magsisi.
Ang Interrogación, ay parang S na baligtad, at sa ulo,i, may punto; inilalagay sa isang tanong. Tingnan itong halimbaua: ¿Icao ay cristiano na?
Ang Admiración, isang tanda na nagpapaaninao nang tunog na ibig nating ibigay sa pagtataca ó daing; ang tanda, ay isang guhit na patindig, sa ulo ay may punto; caparis nitong halimbaua: ¡Ay at aco,i, napahamac ¡Laquing caululán nang tauong nan~gan~gahas magcasala! Ang Puntos suspensivos, ay inilalagay, at ang cahulugan, ay ang cahatulang guinagamit natin, ay di sarili, cun di sa iba: quinucuha ang cailan~gan at iniiuan ang hindi. Inilalagay rin naman sa pinuputol na sabi, at di itinutuloy caparis nito; dan~gang pinanonood tayo nang Dios ay:::
Ang uicang Etcétera, na ang tanda ay ito &c. ang cahulugan, ay ang ating sinaysay, ay sucat na, iniiuan ang iba, at nang di macasamá.
Ang Acentos, ay man~ga guhit na para nito áàâ na cung ilagay sa ibabao nang vocal, humahaba, ó diyan binibigatan ang bigcas nang sabi. Tingnan dito sa dalauang uica: Hába, Habá.
Ang man~ga Comillas ó Rayas, ay nagsasaysay na ang lahat na talata na may lagay sa guilid, ay sipi sa iba; guinagamit, at pangtibay sa ipinahahayag sa atin.
Ang Guion, ay nalisan co. Ito,i, isang guhit na pahigá, na inilalagay sa dulo nang talata. Cun ang isang uica,i, hindi magcasiya sa talata, ay binabahagui sa dalauang magcasunód. Ang sang bahagui ay sa itaas, ang isa,i, sa casunód, at sa pag-itan nang uica, ay may Guion, ó guhit, para nito: May-nila, Mali-bay.
Ang Punto naman, ay naquiquilala sa tandang ito [.] Inilalagay, cun buo,t, tapos na ang caisipan natin, na ibig nating isaysay sa isang, oración, at ang casunod pinupunuan nang letra Mayúscula.
Cun mangyayari disin, ay dapat pagsaquitan n~g man~ga maestros at maestras na ang man~ga batang escuela, ay matutong bumasa nang sulat; at sumulat, bucod sa ibang bagay na dapat ituro. Hindi ang maca yari lamang nang letra, cun di maca sulat nang tapát. Ang sulat na lihis sa reglas, ay bucod sa nacaiinip basahin, ay nacasisira nang cahulugan, at nagsasabi ang di caalamang sumulat.
Ituro mong magaling, Feliza, cay Honesto itong man~ga reglas na aquing padala sa iyo, at marahil ay hindi lamang siya ang maquiquinabang. Isulat mo sa aquin cun caniyang sinusunod. Adios capatid co.—URBANA.