Читать книгу Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza - Modesto de Castro - Страница 13

PAQUIQUIPAGCAPOUA TAUO
TAPAT NA CASIPAGAN

Оглавление

NANG BATA SA PAGAARAL

PAOMBONG....

URBANA: Tinangáp co ang man~ga sulat mo aco,i, napapasalamat sa iyo at cami ni Honesto ay pinagsasaquitan mong matuto.

Aquing iniutos sa caniya na pagaralan itong man~ga reglas na padala mo; tinangap nang boong toua at nagsaquit magaral. Sa caniyang pagpipilit ay natuto; at ang uica mo na di lamang siya ang maquiquinabang ay pinatutuhanan. Nang matutuhan na, ay itinuturo naman sa iba; at palibhasa,i, ang magaling ay hindi matahimic sa isa cun di sa calahatan. N~gayon ang man~ga escuela,i, nagcacahayahan, nagpapaquitaan nang cani-canilang sulat at cun may mabating mali nang capoua bata, ay binabago ang sulat. Ang sulat cong ito ay letra ni Honesto. Adios Urbana.—FELIZA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza

Подняться наверх