Читать книгу Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza - Modesto de Castro - Страница 4
PAQUIQUIPAGCAPOUA TAUO
ANG CATUNGCULAN NANG TAUO
ОглавлениеSA DÍOS
Si Urbana cay Feliza.—MANILA …
FELIZA: N~gayon tutupdin ang cahin~gian mo, na ipinan~gaco co so iyo sa huling sulat fecha....
Sa man~ga panahóng itong itinirá co sa Ciudad, ay marami ang dumarating na bata, na ipinagcacatiuala nang magulang sa aquing maestra, at ipinag bibilin na pag pilitang macatalastás nang tatlong daquilang catungculan nang bata na sinaysay co sa iyo. Sa manga batang ito, na ang iba,i, casing edad mo, at ang iba,i, humiguit cumulang, ay na pag quiquilala ang magulang na pinagmulan, sa cani-canilang cabaitan ó cabuhalhalán nang asal. Sa carunun~gang cumilala sa Dios ó sa cahan~galan, ay nahahayág ang casipagan nang marunong na magulang na magturo sa anac, ó ang capabayaan. Sa man~ga batang ito,i, ang iba,i, hindi marunong nang ano mang dasal na malalaman sa doctrina cristiana, na para baga nang Ama namin, sumasampalataya, punong sinasampalatayanan, na sa canilang edad disin, ay dapat nang maalaman nang bata, caya hindi maca sagót sa aming pagdarasál ó maca sagót man ang iba,i, hindi magauing lumuhód, ó di matutong uman-yó, na nauucol bagang gauin sa harapán nang Dios. Sa pag darasál namin, ay nag lulupagui, sa pagsimba,i, nag papalin~galin~ga, sa pagcain ay nag sasalaulâ, sa pag lalaro,i, nananampalasan sa capoua bata, ó nan~gun~gusap caya nang di catouiran; caya ang man~ga batang ito,i, maquita mo lamang ay maca pag dadalang galit. ¡Oh Feliza, gandang palad natin, at pinagcalooban tayo nang Pan~ginoong Dios nang marunong na magulang! Dahilan sá cahangalang ito nang man~ga bata, ay di unang itinuro nang Maestra,i, ang dasalan, at nang matutong cumilala at maglingcód sa Dios; ang pagbasa nang sulat, cuenta, pagsulat, pananahi, at nang maalis sa cahan~galan. Dinguin mo naman ang aming gagauin sa arao arao.
Sa umagang pagca guising bago cami malis sa hihigán, nag cucruz muna, nagpupuri,t, nagpapasalamat sa Dios, para rin naman nang itinuturo sa atin nang canitang magulang. Macaraan ang ilang minuto, maniniclohód cami saharapán nang larauan nang ating Pan~ginoong Jesucristo at ni Guinoong Santa Maria, ihahayin ang púso sa pag lilingcód sa Dios sa arao na yaon, hihin~gi nang gracia na icaiilag sa casalanan. Cun matapos ito,i, maghihilamos, magsusuclay, magbibihis nang damit na malinis, patutun~go sa hagdanan, at bago manaog ay magcucruz muna, yayauo sa simbahan; sa paglacad namin ipinagbabaual ang magpalin~gap-lin~gap, ang maglaró at magtauánan. Pagdating sa pintoan nang simbahan, ay magdarasál ang baua,t, isa sa amin nang panalan~ging sinipi sa salmo na na sa ejercicio cuotidiano. Pagcaoc nang tubig na bendita, ay iniaalay co sa aquing maestra, sapagca,t, cautusán, na cun may casamang mahal ó matandá, ay dapat ialay. Pagca tapos, ay lalacad at maniniclohód sa harap nang Santísimo Sacramento; ang iba,i, magdarasál nang rosario, ang iba,i, may hauac na libro sa camáy at dinadasál ang man~ga panalan~ging ucol sa pagsisimbá. Sa pagluhód namin, ay ibinabaual nang Maestra, na palibotlibotin ang matá, itinuturo na itun~gó ang ulo, at nang houag malibáng sa lumalabas at pumapasoc na tauo. Cun cami,i, naquiquinyig nang sermón, ay tinutulutang umupó cami, n~guni, ipinagbabaual ang maningcayád, sapagca,t, sa lalaqui ma,t, sa babaye, ay mahalay tingnan ang upòng ito, at tila ucol lamang sa hayop. Sa Pagupó namin, ay ipinagbibilin nang Maestra na cami ay magpacahinhin, itatahimic ang bibig, matá at boong catauan, paquiquingang magaling ang aral nang Dios Espíritu Santo, na ipinahahayág nang Sacerdote Feliza, nan~gan~galó na ang camáy co sa pagsúlat, ay sa iba nang arao sasaysayin co sa iyo ang man~ga biling ucol sa paglagay sa simbahan. Ihalic mo aco sa camay ni ama,t, ni ina: Adios, hangang sa isang sulat.—URBANA.